Friday, November 25, 1994

Ang Tanga ... Baw!

Ang tanga - laglag panga, nakanganga,
Tulo laway, nilalangaw, di binubugaw.
Umutot, kinilig, napanginig,
Nangulangot, binilot, sinimot!

Ang tanga - malayo'ng tingin, napapahangin,
Isip kay linis, utak kay kinis - nakakainis!
Tanong sa kanya, "Ba't lagi kang nakatanga?"
Sagot si tanga, sila'y nagtaka:

"Di ako nag-iisip, utak di masikip,
Ako'y laging tulala, wala akong sala.
Isip ko'y malinis, walang pagnanasa - tabula raza!"
Si tanga walang sala, 'nak ng tokwa!
. . . mapapasalangit, nakakainggit!

Ang tanga . . . baw!

Wednesday, November 2, 1994

Biyaheng Quiapo

A comedy that occurs in a passenger jeepney plying the route along Quiapo, Manila.

Minsa'y papuntang Quiapo,
Mga jeep todo-todo, subalit puno ng tao.
Ako'y napasabit na lang,
'Di bale, sa labas nama'y maluwang!

Sa loob ng jeep na siksik at pagkasikipsikip,
'Sang mama, tipong may sinisilip.
Si Marriot, palda'y makipot, tipo pang pakipot,
Binti na nakatiwangwang, kanya namang pinagdaramot!

Taimtim ang pag-aaral ng mama,
Sa mga binti ng magandang dalaga.
Lumampas tuloy sa pagbababahan,
"Para mama!!!" Hinto ang dyip at siya'y mabilis lumisan!

"Mamang drayber," wika ng pasahero, "Pakihinaan ang radyo!
Tenga ko, sa lakas ng tugtog, kinakalyo!
Ano vah, ito ba'y public transpo?"
Sagot si binging drayber, "Ano kamo? Gusto mo disco? Eto na po!"

Napatawa ang mga tao 'sama si Isko,
Ngunit siya'y sinisipon, uhog sa ilong napalobo!
Hagikgik naman si sosyal na Marriot,
'Di niya napigilan at siya'y tuluyang nautot!

Napatingin ang mga pasahero, tawana'y naantala,
Sabay-sabay a capella, pumara, bumaba, iba'y nadapa!
Si Marriot hiyang-hiya, sabay tinakpan namumulang mukha . . .
Si Isko nama'y pinunasan ang uhog gamit ang suot na kamiseta!

Ika ni Marriot, "Driver, paki-step on the brakes, pleaz!""
At siya'y bumaba, mabilis na lumihis.
Si Isko naman na sa uhog, ilong ay barang-bara,
Dahil sa utot, nagtaka, sipon biglang nawala!

Jeepney papuntang Quiapo, napakalakas ang radyo,
Air conditioned with utot, ngunit kahit mabantot,
Nakaupo naman ako, sa harap pa - ano zey moh?
Tuloy ako sa Quiapo, sa beer joint at sa disco . . .